PatrolPH

3 umano'y tulak patay sa drug operations sa Bulacan at Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 11:36 AM

3 umano'y tulak patay sa drug operations sa Bulacan at Nueva Ecija 1
Kuha ng Marilao PNP

Patay ang tatlong itinuturong tulak ng ilegal na droga matapos manlaban umano sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Bulacan at Nueva Ecija nitong Martes.

Sa isinagawang operasyon sa Northville 4A, Brgy. Lambakin sa Marilao, Bulacan, napatay matapos umanong manlaban ang mga target suspek na kinilalang sina Danilo Pineda Paiste at Raffy Aniag Reyes.

Ilan sa mga narekober ng mga awtoridad sa mga nasawi ay dalawang caliber .38 revolver, mga basyo ng caliber 9mm.

Patay din ang umano'y tulak na si Jay Mark Dela Pena matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Mabini Homesite sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nakuha mula sa napaslang ang isang Smith and Wesson caliber .38 revolver na walang serial number at mga basyo ng cal. 9mm. 

Nakuha rin ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang P75,300 ang street value.--Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.