100-taong acacia tree nanganganib putulin dahil sa road widening sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 06:23 PM

Binigyan ng kopya ng petisyon ang Department of Public Works and Highways-Davao Region para sa kanilang konsiderasyon. Retrato mula kay Christopher Ryan Maboloc 

DAVAO CITY – Apat na opisyal ng Barangay Daliao sa Toril District ng lungsod na ito ang umaalma sa isang roadside widening project kung saan masasapul ang isang 100-taong acacia tree.

Naglunsad ng kampanya sina barangay kagawad Christopher Ryan Maboloc, Joseph Dumogho, Joven Anthony Mulat, at Raymond Zapanta para huwag putulin ang puno na nasa gitna ng Fish Port Avenue at J. Dela Cruz Street.

Sabi ni Maboloc, na isa ring propesor sa Ateneo de Davao University, hindi kailangang putulin ang acacia tree batay sa kanilang konsultasyon sa isang urban planner. 

Binigyan ng kopya ng petisyon ang Department of Public Works and Highways-Davao Region para sa kanilang konsiderasyon. 

Suportado ng buong sangguniang barangay ang petisyon nina Maboloc.

– Ulat ni Francis Magbanoa 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.