Pagtatanim ng gulay, inimungkahi ng Palasyo na parusa sa mga lumalabag sa lockdown

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 04:06 AM

Muling nagpaalala ang Palasyo sa local government units na siguraduhing alinsunod pa rin sa Saligang Batas ang anumang mga parusang ipinatutupad laban sa mga sumusuway sa protocols ng Luzon lockdown. 

Sagot ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga ulat ng mga umano’y pinapag-push up, back walk, o squats ang ilang mga violators. 

Ayon kay Roque, maaari namang matuto ang mga lokal na pamahalaan mula sa ibang lugar. 

Gaya aniya ng sa Pampanga na ang pagtatanim ng gulay ang pinagagawa sa mga sumusuway sa quarantine. 

Nagbabala rin ang Palasyo sa mga pulis kasunod ng umano’y pagpasok ng mga ito sa isang private property sa Bonifacio Global City kagabi habang naninita sa mga tao sa garden at pool area.

“Ang polisiya po ng pulis naman ay hindi pupuwedeng pumapasok po ang mga pulis sa mga private property kung, number one, wala silang nalalaman na krimen na nangyayari doon sa private property na iyon; kung hindi sila inimbita o kung wala po silang search warrant,” aniya

Ayon kay Roque, pinaiimbestigahan na ng Palasyo ang insidente.