Pagtanggap ng mga pasyente sa Mandaluyong Medical Center, lilimitahan muna

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 03:09 AM

Lilimitahan muna ang pag-admit ng mga pasyente sa Mandaluyong City Medical Center, kabilang dito ang mga critical at emergency cases sa loob ng 30 araw simula Lunes.
 
Sa inilabas na pahayag ni Dr. Zaldy Carpeso, medical director ng ospital, may 50 silang medical personnel na dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Ang paglimita ay para mabigyan ng panahon ang mga nagkasakit na tauhan na magpagaling at para na rin sa disinfection ng pasilidad.
 
May approval rin umano ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang direktiba. 
 
Samantala, tiniyak ng Makati Medical Center na hindi ipinagbibili o pinababayaran sa mga pasyente ang mga personal protective equipment (PPEs)na idi-nonate sa ospital.
 
Ito ay matapos ikagalit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang balitang may ilang health facilities na pinababayaran ang mga PPE. 
 
Ayon kay Dr. Saturnino Javier, medical director ng ospital, mali ang anumang paratang na pinagkakakitaan ang mga PPE ng ospital at hindi niya umano ito papayagan.

 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.