Nawalang kita ng NAIA dahil sa COVID-19 umabot na sa P200 milyon: MIAA chief

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 03:02 PM | Updated as of Apr 21 2020 03:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Umabot na sa mahigit-kumulang P200 milyon ang nawalang kita ng Ninoy Aquino International Airport ngayong may banta ng coronavirus (COVID-19) ayon sa pinuno ng Manila International Airport Authority.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, base ito sa tala ng paliparan dalawang linggo na ang nakalipas.

"Huling tala that was 2 weeks ago if I recall mahigit P200 milyon ang nawala in terms of income," ani Monreal.

Aniya, ramdam nila ang epekto pero mas dapat isaalang-alang ang kaligtasan ng mga Pilipino laban sa banta ng COVID-19.

Nakararaos ang NAIA sa ilang biyahe ng piling airlines.

Mayroon aniyang bumibiyaheng 5 hanggang 9 kung saan bumababa at umaalis ang ilang international flights para i-repatriate ang ilang foreign nationals.

Kumukuha din aniya sila ng flights para sa mga nagre-repatriate na overseas Filipino workers.

Naka-enhanced community quarantine ang Luzon, kung saan napapaloob ang NAIA. Nililimitahan dito ang galaw ng tao gaya ng pagbiyahe ngayong may banta ng virus.

Sarado rin ang ilang terminals ng paliparan dahil limitado ang kanilang operasyon.

Sa ngayon, nasa 6,459 ang kumpirmadong kaso ng sakit; 613 ang naitalang gumaling dito habang 428 na ang naitalang patay.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.