Mga sundalong namatay, nasugatan sa engkuwentro sa NPA sa Negros Occidental, pinarangalan

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 11:24 PM | Updated as of Apr 22 2020 01:37 AM

Larawn mula sa 303rd Infantry Brigade, Philippine Army

Binisita at pinarangalan ang mga sundalong nasugatan sa nangyaring engkwentro sa gitna ng militar at mga miyembro ng New People's Army sa Himamaylan City, Negros Occidental, nitong Linggo.

Isa-isang binisita ni 303rd Infantry Brigade commander Col. Inocencio Pasaporte ang 4 na sugatang sundalo sa ospital para masabitan sila ng Wounded Personnel Medal.

Ang apat na sugatang miyembro ng 94th Infantry Battalion ang nakaligtas nang makaengkwentro nila ang grupo ang mga rebelde sa Barangay Carabalan sa naturang lungsod.

Isang departure honor naman ang pinangunahan ng Philippine Army para sa 3 sundalo na nasawi sa nangyaring sagupaan.

Sakay sa military plane, dadalhin ang mga labi nina platoon leader 2nd Lt. Amante Abibico, Cpl. Joel Nobleza at Private First Class Carl Venice Bustamante sa kanilang mga pamilya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng 3rd Infantry Division sa dalamhati at suporta ng taumbayan sa mga kasundaluhan.

Saad ni Cpt. Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Brigade, lalo nilang pag-ibayuhin ang pagbibigay serbisyo sa Isla ng Negros kasabay ng pagtugis sa mga rebelde.

Ang mga sundalo ay nagsasagawa noon ng community service patrol nang paputukan sila ng mga miyembro ng NPA na gumamit din ng improvised explosive device. - Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.