Mga senior citizen sa Parañaque, tatanggap ng P1,000 mula sa city hall

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 03:15 AM

Pino-proseso na ngayon ng Parañaque city hall ang mga gift check na may halagang P1,000 para sa mga senior citizen ng lungsod.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, sa loob ng linggong ito ipamamahagi ang gift checks na ipapadala sa local courier.

Maaaring magamit ng mga senior citizen ang ang gift check na kanilang pang-grocery sa alinmang outlet ng SM stores.

Ayon naman kay Dante Pacheco, pinuno ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng siyudad, ang makatatanggap ay ang mga nakalista sa kanilang Cares Program.

Nasa 58,429, aniya, ang mga senior citizen sa lungsod ang naka-enrol sa OSCA Cares program mula sa 16 na barangay nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.