ALAMIN: Alok na trabaho ng DOH para sa health workers sa gitna ng banta ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 02:42 PM

MAYNILA - Naghahanap ngayon ng mga health worker ang Department of Health para sa dagdag-tauhan sa mga ospital ngayong may banta ng coronavirus disease 2019. (COVID-19) 

Ito ang “Emergency Hiring of Health Personnel for COVID-19
Response” na nag-aalok ng contractual work na mahigit-kumulang 3 buwan. 

Maaari pang ma-renew ang kontrata ng makakapasa rito. 

Kinakailangan ng DOH ang mga sumusunod 

  • Doktor
  • Nurse
  • Medical technologist
  • Respiratory therapist
  • Radiologic technologist
  • Medical equipment technician
  • Ambulance driver 

Mapagkakaloob ng kumpletong suweldo at benepisyo ang mga matatanggap na aplikante. 

Makatatanggap ng P59,000 hanggang P75,000 kada buwan ang mga doktor.

Samantala, nasa P32,000 ang maaaring tanggapin ng nurse. 

Halos P14,000 naman ang matatanggap ng mga ambulance rider. 

Mapagkakaloob ng 20 percent premium ang mga matatanggap at may hazard pay na P500 kada araw. 

May P1,000 monthly communication and transportation allowance din at insurance. 

Bibigyan rin ng board and lodging ang naka duty na personnel at iba pang tulong.

At dahil ma-assign sa COVID-19 facilities, sisiguraduhin din ng DOH na mabibigyan ng personal protective equipment at libreng paggamot sa ospital sakaling magkasakit. 

Sa mga gusto mag apply, maaaring tumawag lang sa DOH 02-8651 7800 local 4206 o sa PGH sa 155-200. 

Maaari rin tingnan ang Facebook page ng ahensiya. — Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.