2 negative pressure tents para sa COVID-19 patients, itatayo sa Ospital ng Makati

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 10:13 AM | Updated as of Apr 21 2020 10:18 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Magtatayo ngayong linggo ang lungsod ng Makati ng negative pressure tents sa Ospital ng Makati para sa mga pasyente na may sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Mayor Abby Binay, ang Makati ang magiging una sa Metro Manila na magtatayo ng ganitong makabagong pasilidad. 

Aniya, ito ay ilalagay sa ambulance bay ng OsMak Emergency Room upang maiwasan ang posibleng pagkakahawa ng ibang pasyente at frontliners.

 

Ang bawat tent ay may 6 na intensive care unit beds, power supply, pressure sensors at alarms, lighting, filtration systems, LCD monitors, UV/HEPA air purification, toilet at shower, decontamination rooms, changing rooms, storage, at air-conditioning system. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.