Sunog sumiklab sa bakery sa Lipa City

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2019 07:15 PM

Isang sunog ang sumiklab sa Barangay Sico sa Lipa City sa lalawigan ng Batangas pasado alas dos ng hapon, Linggo.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lipa, sa isang bakery nagsimula ang apoy. Kaagad din naman itong naapula ng mga bombero makalipas ang ilang minuto.

May nadamay ring isang sasakyan at isa pang stall sa sunog.

Wala namang naitalang nasaktan sa nangyari. Inaalam pa ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog at kung gaano kalaki ang napinsala sa pangyayari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.