Pagpatay sa isang radio commentator sa Butuan City, kinondena

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2019 07:22 PM

BUTUAN CITY - Kinondena ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang nangyaring pananaksak-patay sa isang radio commentator ng DXJM sa Butuan City Sabado ng umaga sa labas ng isang copy center sa Narra Road, Barangay New Society Village, Butuan City.

Nakunan pa sa CCTV ang nangyaring pananaksak. Nakikipag-usap lang sa labas ng copy center ang biktimang si Francisco Patindol nang lapitan siya ng suspek na si Ulating Macarampat Barapangcat alyas Ola Saransamen at sinaksak.

Tinamaan si Patindol sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib. Naitakbo pa siya ng kanyang kasamahan sa ospital pero binawian din ng buhay.

Sa pagbisita ni Go sa Butuan City, ipinahayag nito na nais niyang mabigyan ng agarang hustisya ang pagkamatay ni Patindol.

"Akong ginakondena ang pagpatay labona sa mga miyembro sa media nga nagtrabaho lang. Balita nko hubog daw to wala pa madakpan. Ako mismo tawgan nako ug hangyuon ang kapulisan naa man diri ang atong CIDG regional director tagaan og hustisya dayon ang pagkapatay ug ako akong ipaabot pud kang President Duterte ang kamatayon ato nga media ug matagaan dayon og tabang dili lang tabang hustisya dayon paspas nga solusyon," aniya.

(Kinondena ko ang pagpatay lalo sa mga miyembro ng media na nagtatrabaho lang. Balita ko lasing 'yun hindi pa naaresto. Tatawagan ko at hilingin ko ang kapulisan andito man ang ating CIDG regional director bigyan agad ng hustisya ang pagkamatay at ipapaabot ko ito kay Presidente Duterte ang pagkamatay ng nasabing media at bigyan agad siya ng tulong hindi lang tulong, hustisya agad).

For updates on Halalan 2019 click here