Bumoto ng kandidatong para sa kapayaan: obispo

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2019 07:01 PM

Bacolod Bishop Patricio Buzon. ABS-CBN News

Hinimok ngayong Linggo ng Pagkabuhay ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ang publiko na pumili sa darating ng halalan ng mga kandidatong sumusuporta sa kapayapaan at nagbibigay ng halaga sa buhay ng tao.

Sa homily ng kaniyang Easter Sunday Mass sa San Sebastian Cathedral, sinabi ni Buzon na marami nang masamang nangyayari ngayon sa bansa gaya ng walang tigil na patayan kaya mainam na maging maingat sa pagpili ng mga kandidatong iboboto sa halalan sa Mayo 13.

"There is no longer respect for life, not even for God. There is killing everywhere, abduction everywhere. There is no more rule of law. What's happening?" ani Buzon.

"With a good vote, just one vote. If all of us will vote for people in the government who are worthy, who do not seek their interests, and who do not collude with the power that wants to take everything," dagdag niya.

Sinabi rin ni Buzon na huwag dapat sayangin ng mga tao ang pagkakataon na bumoto dahil isa itong kalayaang ipinaglaban ng mga bayani.

Samantala, bukod sa mga simbahan, dinagsa rin nitong Linggo ng Pagkabuhay ang mga beach resort sa Bacolod City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

For updates on Halalan 2019 click here