5 patay sa pagsalpok ng jeep sa concrete barrier sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2019 01:18 PM | Updated as of Apr 21 2019 08:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Lima ang namatay noong Sabado matapos bumangga ang sinasakyan nilang jeep sa isang concrete barrier sa bayan ng Ibaan, Batangas, ayon sa pulisya.

Papunta sanang Lobo, Batangas ang 19 na sakay ng jeep galing Calamba City para mag-swimming.

Habang binabagtas ang palusong na bahagi ng daan sa Barangay Balanga, Ibaan, nawalan ng preno ang jeep at sumalpok sa barrier, ani Police Executive Master Sgt. Ernie Pajimola ng Ibaan police.

Base sa imbestigasyon, 2 beses nang nasiraan ang jeep pero pinili pa rin ng mga sakay nitong ituloy ang biyahe.

Kasama sa 5 nasawi ang 59 anyos na driver na si Wilfredo Macabudbud.

Nananatili sa mga pagamutan ang iba pang pasahero ng jeep na nasaktan sa insidente.

--Ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.