P800,000 halaga ng 'shabu' nasabat sa 7-buwan buntis at Sudanese national

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2018 04:26 PM

Arestado ang isang 7-buwan buntis at partner umano nitong Sudanese national sa ikinasang buy bust operation ng Angeles City Drug Enforcement Unit. Kuha ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News


Huli ang isang ginang na 7-buwang nagdadalang-tao at ang kaniyang Sudanese national na live-in partner sa ikinasang buy-bust operation ng Angeles City Drug Enforcement Unit sa kanilang inuupahang apartment sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga nitong Sabado umaga.

Aabot sa P800,000 ang tinatayang street value ng mga nakuhang droga sa dalawang suspek. Kuha ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Tinatayang aabot sa 300 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P800,000 ang nakumpiska sa mga suspek. 

Nakasilid umano ang mga droga sa mga tsinelas na posibleng ibinyahe pa sa mula sa ibang bansa.

Ang buntis na suspek, nakulong na umano noon dahil sa parehong kaso ng droga. Kuha ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Ayon sa mga awtoridad, dati na umanong nakulong ang babae sa parehong kasong may kinalaman sa droga.
 
Nahaharap sa kasong paglabag sa sections 5, 11, at 26 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

--Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.