4 arestado dahil sa pagnanakaw ng mga motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2018 05:42 AM | Updated as of Apr 21 2018 08:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang isang mag-asawa at 2 nilang kasamahan na umano'y sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Station 7, ang mga nahuli ay responsable sa pagnanakaw ng mga motorsiklo noon pang Nobyembre 2017.

Modus operandi ng mga suspek ang pagtangay ng motorsiklo gamit ang isang masterkey. Nagsisilbing look out naman ang babae.

Kapag nakuha na ang motorsiklo, ibebenta ito sa murang halaga ng kanilang mga kasamahan.

Hindi bababa sa 7 motorsiklo ang natangay na umano ng grupo. Ang 4 sa insidente ng pagnanakaw ay nakuhanan ng CCTV.

Depensa naman ng mga suspek, napilitan lang sila dahil wala silang perang pangkain.

Nakuha rin sa kanila ang isang kalibre .45 na baril at mga patalim.

Kakasuhan sila ng carnapping at illegal possession of firearms. 

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.