250 piraso ng pampasabog, nakuha mula sa 2 lalaki sa Baguio City

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2018 12:27 PM

BAGUIO CITY - Hindi bababa sa 250 piraso ng dinamita at iba pang pampasabog ang nakumpiska mula sa 2 lalaki sa San Carlos Heights dito sa lungsod, Biyernes.

Nakumpiska ang mga pampasabog sa isang operasyon na isinagawa ng mga pulis matapos ang ilang buwang pagmamanman sa mga 'di pinangalanan na mga suspek.

Iligal na nagsu-supply ng mga pampasabog sa mga minero ang mga nahuli, ani Chief Insp. Carolina Lacuata, information officer ng Police Regional Office ng Cordillera.

“Tinitignan pa natin baka nagsu-supply sila ng explosive sa mga communist group," dagdag ni Lacuata.

Ikinulong ang 2 suspek sa Baguio City Jail.

Haharap sila sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Illegal Possession of Firearms.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.