12 lalaki, timbog sa buy-bust sa Quezon City

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2018 08:56 AM

MANILA - Kalaboso ang mag-ama at 10 iba pa sa ikinasang buy bust operation sa isang drug den at pasugalan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Target ng operasyon si alyas Bonbon na nasa drugs watchlist -- pero sa 17-anyos na anak nito nakabili ng P200 na halaga ng shabu ang undercover na pulis, sabi ni Supt. Rossel Cejas, commander ng Quezon City Police Station 6.

Bukod sa mag-ama, naabutan din sa drug den ang 10 iba pang drug suspects kabilang ang isang 16-anyos na lalaki.

Narekober sa mga suspek ang 12 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P25,000, P200 na buy bust money, mga baraha at perang pang taya sa sugal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.