PatrolPH

Guro patay sa pananambang sa Lipa City

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2022 03:16 PM

Retrato mula sa Lipa police
Retrato mula sa Lipa police

Patay ang isang guro matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspek sa Lipa City, Batangas nitong Martes, ayon sa pulisya.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Richard Bon, 36, na pinatay sa may St. Peter Subdivision sa Barangay Tambo pasado alas-6 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Lipa police, sakay ang biktima nang kaniyang motorsiklo nang lapitan ng 2 lalaking sakay rin ng motorsiklo at pagbabarilin.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo, na agad niyang ikinamatay.

Tumakas umano ang mga suspek patungo sa direksyon ng national highway.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

 FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.