PatrolPH

'Nilalamig, nilalanggam': Inabandonang sanggol nasagip sa damuhan sa Agusan del Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2021 04:59 PM

Natagpuan ng mga residente ang isang bagong silang na babaeng sanggol Martes ng umaga sa damuhan sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur.

Ayon sa nakakita na si Estela Lavador, papunta sana siya sa karatig na bayan ng Talacogon nang madaanan niya malapit sa puno ang sanggol na umiiyak, nilalamig, at nilalanggam.

Dinala niya ang sanggol sa Rural Health Unit ng bayan para malinisan lalo't hindi pa natanggal ang pusod nito.

Nasa pangangalaga na ng RHU ang sanggol at mayroon na rin umanong nag-apply para ampunin ang sanggol, kabilang na si Lavador.

 KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.