PatrolPH

Lalaki patay matapos barilin ng pamangkin sa Aklan

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2021 11:09 PM

Patay ang isang lalaki matapos siyang barilin ng kaniyang pamangkin sa Barangay Ortega, bayan ng Libacao, Aklan, Lunes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Loreto Zaballero, 53, residente sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Libacao PNP, nilusob ng lasing na biktima ang bahay ng pamangkin, na armado ng itak, ngunit sa pintuan pa lang ay binaril na siya ng suspek gamit ang isang homemade 12-gauge shotgun.

Kaagad namatay ang biktima matapos tamaan sa dibdib.

Sumuko sa awtoridad ang suspek matapos gawin ang krimen. Nakatakda siyang sampahan ng kasong pagpatay.

Dating alitan ang sinusunod na motibo sa krimen, ayon sa mga awtoridad. — Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.