Higit 100 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2021 12:03 PM

Sumiklab ang sunog sa residential area sa Barangay San Isidro, Parañaque City noong Abril 19, 2021.

MAYNILA — Aabot sa 130 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Parañaque City hapon ng Lunes, sabi ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Tinatayang P300,000 ang halaga ng pinsala ng ari-arian sa sunog na tumama sa 65 bahay sa Barangay San Isidro, ayon sa BFP.

Naapula ang sunog alas-4:30 ng hapon o higit isa't kalahating oras mula nang sumiklab ito.

Karamihan sa mga pamiilyang nasunugan ay sumilong sa mga itinayong tent sa kalsada.

Nanawagan ang mga pamilya ng dagdag na tulong para makapagsimula ulit.

— Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.