Mga nagka-COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 6,459

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2020 05:43 PM

MAYNILA — Nagtala ng 200 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas nitong Lunes, dahilan para pumalo na sa 6,459 ang bilang ng mga dinapuan ng sakit sa bansa.

Ayon sa anunsiyo ng Department of Health (DOH), nadagdagan din ng 41 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit kaya 613 na ang mga taong nakarekober. 

Umakyat naman sa 428 ang bilang ng mga namatay sa sakit matapos masawi ang 19 pasyente. 

Simula noong nakaraang linggo, naungusan na ng bilang ng recoveries ang tala ng mga namamatay sa COVID-19. 

Kasalukuyang umiiral ang lockdown sa buong Luzon at maging sa ibang bahagi ng Pilipinas para makontra ang pagkalat ng virus, na hinihinalang nagmula sa Wuhan City ng China. 

 

—Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.