Kinilala ang guro na si Emil Bal-iyang na namahagi ng mga isda sa pamilya ng kaniyang grade 6 students sa Lamag Elementary School. Retrato mula kay Josephine Tali
QUIRINO, Ilocos Sur — Mga sariwang isda mula sa ilog ang handog ng isang guro sa bayan na ito sa kaniyang mga estudyante at pamilya nila bilang ayuda sa gitna ng krisis sa COVID-19.
Kinilala ang "good Samaritan" na si teacher Emil Bal-iyang.
Namahagi siya ng mga isda sa pamilya ng kaniyang grade 6 students sa Lamag Elementary School.
Kuwento ni Bal-iyang, ipinangako kasi niya sa mga estudyante niyang magpi-picnic sila matapos ang graduation, pero hindi na ito natuloy dahil sa enhanced community quarantine.
"Sinadya ko kasing mag-alaga ng isda para sa kanila para after graduation may pagsalu-saluhan kasama ang kanilang magulang," anang guro.
Frontliner din si Bal-iyang sa kanilang lugar bilang volunteer sa checkpoint ng barangay.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.