COVID-19 bayanihan: Mga pari sa Jaro ido-donate ang stipend
ABS-CBN News
Posted at Apr 20 2020 04:07 PM
MANILA - Ido-donate ng nasa 190 pari sa Archdiocese of Jaro sa Iloilo ang kanilang stipend upang makatulong sa mga nangangailangan sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Target ng mga pari na makabuo ng P1.5 miyon sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang allowance para sa Marso o Abril, sabi ni Fr. Angelo Colada.
Gagamitin aniya ang pondo sa mga relief operation gayundin sa mga proyekto pagkatapos ng krisis tulad ng handwashing stations at pagpapaayos ng mga public restroom.
"Charity is an act of mercy. Hindi lang tayo nagsasabi na 'ay kawawa naman.' Ang tanong is ‘ano ang naitulong natin.' So it’s very important yung mga tao ngayong panahon especially this time of crisis mararamdaman nila na mahal sila ng Diyos," sabi ni Colada.
Naka-lockdown ang ilang bahagi ng Iloilo para mapigil ang pagkalat ng COVID-19, na mayroon nang 6,259 kaso sa buong bansa hanggang nitong Linggo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
COVID, COVID bayanihan, COVID good news, COVID donations, COVID priests, COVID relief aid, COVID good samaritan, tagalog news, COVID Iloilo, COVID, COVID-19, COVID updates, COVID latest, ncov, health, disease, virus, pandemic, coronavirus, COVID lockdown, COVID quarantine, COVID ECQ, COVID enhanced community quarantine