ALAMIN: Mga numerong maaaring pagsumbungan ng na-harass na frontliner

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2020 03:44 PM

MAYNILA — Kinumpirma nitong Lunes ng pamahalaan na nakapagpatupad na ng kani-kanilang ordinansa ang lahat ng lugar sa Metro Manila upang masawata ang pang-aalipusta sa frontliners na tumutugon sa COVID-19 crisis.

Ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), mismong Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nagkumpirma na may mga umiiral nang ordinansa kontra pananakit at pangha-harass sa frontliners.

Sabi pa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na siyang tagapagsalita ng IATF, mananagot din sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mapapatunayang nang-api sa frontliners.

"May babala din ang NBI: Ang lahat ng uri ng pananakot, diskriminasyon, at pananakit sa ating mga frontliners ay may karampatang parusa. Puwde nyo pong i-report sa NBI kung ikaw man ay nakaranas o nakasaksi ng mga ito," sabi ni Nograles.

Narito ang mga numerong tatawagan ng frontliners na nakaranas ng harassment:

  • Globe: 09664723056
  • Smart: 09617349450
  • Regional number: 09751539146
  • Landline: (02) 852 40237

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 6,259 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 409 dito ang nasawi at 572 ang nakarekober.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.