3 lalaki timbog sa paglabag sa liquor ban sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2020 12:40 PM | Updated as of Apr 20 2020 10:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tatlong lalaki, kabilang ang isang benepisyaryo ng social amelioration program ng gobyerno, ang nahuli sa San Jose City, Nueva Ecija dahil sa umano ay paglabag sa liquor ban.

Nahuli ang mga lalaki habang nag-iinuman sa labas ng bahay noong tanghali ng Linggo, ayon sa pulisya.

Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa ilang lugar habang may community quarantine para maiwasan ang pagtutumpukan ng mga tao at maagapan ang pagkalat ng coronavirus.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose police, ang isa sa mga suspek ay nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng social amelioration program.

Matapos umanong makabili ng pagkain at ibang pangangailangan ng pamilya, pinambili ng suspek ng alak ang sobrang ayuda.

Ang isa namang suspek ay dumayo pa sa lugar para makipag-inuman.

Nasa kustodiya ng San Jose police ang mga suspek na kakasuhan ng paglabag sa enhanced community quarantine.

Nakatakdang matapos ang quarantine sa buong Luzon sa Abril 30. -- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.