2 estudyante ng PUP kasama sa 6 aktibistang tiklo dahil sa paglabag ng lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2020 05:53 PM

Sinisiyasat ng mga awtoridad ang mga relief pack, tarpaulin at pamphlet na nakuha mula sa 6 na miyembro ng Anakpawis na lumabag sa lockdown sa Bulacan. Larawan mula sa Central Luzon police

NORZAGARAY, Bulacan - Inaresto ng mga awtoridad ang 6 na aktibista mula sa grupong Anakpawis, kabilang ang 2 estudyante ng Polytechnic University of the Philippines, dahil sa paglabag sa lockdown, Linggo ng umaga. 

Hinarang ang jeepney na sakay ng grupo sa checkpoint sa Barangay Bigta at nabigo silang magpakita ng mga dokumento para sa mga dalang food pack, gayundin ang mga tarpaulin at pamphlet na may mensaheng laban sa gobyerno, ayon sa pulisya. 

Iginiit naman anila ng 2 estudyante ng PUP na akala nila'y magsasagawa ng relief operation ang grupo. 

Ibinigay sa Barangay Bigta kalaunan ang relief packs. 

Naka-lockdown ang nasa 50 milyon residente ng buong Luzon hanggang Abril 30 para mapigill ang pagkalat ng COVID-19. 

Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.