Sunog sumiklab sa Santa Cruz Church sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2019 01:05 AM

MANILA—Sumiklab ang sunog sa isang kapilya ng Santa Cruz Parish Church nitong Biyernes Santo.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang apoy sa candle stand ng Chapel of the Saints alas-5:45 ng hapon.

Naapula ang apoy pagkatapos ng 20 minuto. Sinarado pansamantala ang kapilya para linisin ito.

Itinuturing na isa sa pinakamatandang istruktura ang simbahan sa Maynila. — Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.