P1.5 milyong halaga ng ecstasy, nasabat sa Pasay

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2018 07:28 PM | Updated as of Apr 21 2018 11:46 PM

MAYNILA—Nasa P1.5 milyong halaga ng ecstasy ang nasabat sa Central Mail Exchange Office sa Pasay City.

Ayon kay PDEA-NCR director Ismael Fajardo, Abril 5 nang dumating ang isang package sa Philpost na galing sa the Netherlands.

Nang dumaan ito sa x-ray screening ay natuklasan na naglalaman ito ng organic substance kaya ininspeksyon ito ng PDEA K9 unit. Nadiskubre na naglalaman ito ng ilegal na droga.

Agad namang nakipag-ugnayan ang pamunuan ng cargo company sa consignee ng package.

Nitong Biyernes ng umaga, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at NAIA ang consignee na isang 20-anyos na residente ng Quezon City.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang isasampang kaso laban sa consignee ng package na nasa kustodiya na ng PDEA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.