PatrolPH

P3.9-M halaga ng marijuana binunot sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2022 07:11 PM

Larawan mula sa Kiblawan PNP
Sinunog ng mga awtoridad ang ilang marijuana na nakuha sa isang plantation sa Kiblawan, Davao del Sur nitong Lunes. Larawan mula sa Kiblawan PNP

Binunot ng mga awtoridad ang nasa P3.9 milyong halaga ng marijuana sa mga sitio ng Kiarang at Akbuling sa mabundok na bahagi ng Barangay Bulol-salo sa Kiblawan, Davao del Sur nitong Linggo.

Ang pagkakatuklas sa marijuana plantation ay nangyari sa tulong ng mga opisyal ng barangay at mga residente. 

Hindi nahuli ng mga awtoridad ang mga nagtanim ng mga marijuana. Marami sa mga nakuhang marijuana ay sinira agad matapos bunutin. 

Nasa 50 stalks naman nito ay dinala sa police station para sa "ceremonial burning" na isinagawa noong Lunes, Abril 18. 

—Ulat ni Francis Magbanua 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.