Ayuda para sa mga OFW na apektado ng Shanghai lockdown ipamimigay na

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2022 01:45 PM

People in protective gear walk on a street in Shanghai, China, April 18, 2022. On April 1, 2022, the city went into the general lockdown for 4 days. Those 4 days turned into 18 days and counting. Some of the residential buildings got released, however, the majority is still locked. Most delivery services are blocked off, leading people to fight against hunger with lack of possibility to buy groceries, and get medical care for non-COVID related diseases. Alex Plavevski, EPA-EFE

MAYNILA — Ipamimigay na ngayong linggo ang ayuda para sa mga overseas Filipino workers na apektado ng COVID-19 lockdown sa Shanghai, China.

"Sa ngayon, we are preparing the assistance package and we will roll them out this week," ani Overseas Workers Welfare Administration administrator Hans Leo Cacdac sa panayam sa TeleRadyo Martes.

"Pagkain po ang ating maidi-distribute kasi 'yan po ang pinakamatinding pangangailangan sa ngayon."

Ito ang ikalawang wave ng ayuda na ibibigay ng gobyerno para sa mga OFW sa China. Nabigyan din ng pagkain ang mga Pilipino sa kasagsagan ng COVID-19 sa China noong 2020.

May 500 pangalan na ng mga OFW ang ahensiya para sa mabibigyan ng paunang tulong. Tinatayang nasa 4,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Shanghai.

Ayon kay Riman Manlangit, isang restaurant manager sa Shanghai, mahigpit pa rin ang lockdown sa siyudad.

"Sa ngayon, same as usual po mahigpit. Hindi pa rin po kami makalabas sa compound namin kasi may positive COVID cases 'yung compound namin," aniya sa panayam din sa TeleRadyo.

Naka-lockdown sila simula pa noong Abril 1 pero binibigyan sila ng ayuda ng gobyerno ng China. Nakakabili rin sila ng mga pagkain online.

Hiling niya sa Philippine government ay mapabilis ang pagbibigay ng tulong. Nasa 3 linggo nang nasa total lockdown ang Shanghai para makontrol ang surge ng COVID-19.

"Sana po e mapabilis 'yung ayuda kasi almost 1 month na po kaming walang pasok tapos no work, no pay. So 'yan ang pinoproblema namin," aniya.