Lalaking pinagsasaksak ang kaniyang misis arestado

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2021 05:59 PM

Magsaysay, DAVAO DEL SUR — Arestado noong Linggo sa bayan na ito ang isang lalaki na suspek sa pagpatay sa kaniyang misis. 

Kinilala ang suspek na si Edgar Rebias Timtim, na naaresto sa Purok 5, Barangay Barayong.

Ayon sa Magsaysay police, sinaksak ni Timtim ang kaniyang asawa noong Biyernes ng umaga, pero hindi pa malinaw ang motibo sa krimen.

Naaresto si Timtim habang suot pa umano nito ang damit na may mantsa ng dugo. 

Narekober din ang kutsilyo na ginamit niya sa pananaksak sa kanyang asawa.

Isinampa na ang kasong parricide laban sa kanya.

Nagpasalamat naman ang pulisya sa kooperasyon ng mga tao na naging susi sa paghuli sa suspek.

Ayon din sa pulisya, nakaramdam ng ginhawa sa kabila ng pagdadalamhati ang mga kamag-anak ng biktima nang malaman na nahuli na ang suspek sa krimen.


—Ulat ni Hernel Tocmo 

RELATED VIDEO 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.