4 pawikan pinakawalan matapos malambat sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2021 11:01 PM

Kuha ni Alden Paino

Apat na pawikan ang nalambat ng mga mangingisda sa dagat sa Brgy. Camindoroan sa bayan ng San Juan, Ilocos Sur, Lunes ng umaga.
 
Ayon sa punong barangay na si Gaudelio delos Santos, tinatayang higit 60 kilo ang dalawang malalaking pawikan na nahuli, habang ang dalawang mas maliit ay 10 hanggang 15 kilo. 

Aniya, aksidente ang pagkakahuli sa mga pawikan.

Dagdag niya, wala namang sugat ang mga pawikan at agad din silang pinakawalan matapos sila utusan ng opisina ng DENR sa bayan.

Hindi ito ang unang beses na nakalambat ang mga mangingisda sa nasabing barangay ng mga pawikan.--Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.