Sekyu ng grocery sa Bacolod arestado matapos mamaril

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2020 01:56 PM

Huli nitong Linggo ng umaga ang security guard ng isang grocery sa Bacolod City matapos niyang barilin ang lalaking lumabag umano sa mga patakaran ng enhanced community quarantine.

Ayon sa guwardiya, pinoprotektahan lang niya ang binabantayang tindahan nang tangkain ng lalaki na pumasok.

Baka daw may dalang armas ang lalaki at mang-hostage sa loob ng tindahan kaya nabaril, depensa sa guwardiya.

Nakadetene sa police station ang guwardiya habang patuloy na ginagamot sa ospital ang lalaki.

Isinailalim sa community quarantine ang Bacolod para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.