PatrolPH

Mag-anak na nakakuha ng gov't cash aid timbog sa pagsusugal

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2020 05:27 PM

Mag-anak na nakakuha ng gov't cash aid timbog sa pagsusugal 1

LAOAG CITY – Tatlong miyembro ng pamilya ang arestado noong Sabado matapos silang mahuling nagsusugal sa kanilang bahay.

Huli sa aktong nagsusugal ang mga suspek sa labas ng kanilang bahay sa Sitio 2, Barangay 37, Calayab, Laoag City.

Nakuha mula sa 2 babae at 1 lalake ang P372 perang taya sa sugal at baraha.

Umamin ang 2 babaeng suspek na sila ay nakakuha ng P5,500 mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development para sana magamit sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Mahaharap ang 3 sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.


—Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.