TINGNAN: Panatang 'Tira Bakal' sa San Juan Baño sa Arayat

Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2019 04:15 PM

ARAYAT, Pampanga – Hampas, bugbog at tadyak ang dinaranas ng mga namamanata sa nakaugalian debosyong tinatawag na “Tira Bakal” tuwing Biyernes Santo sa San Juan Baño.

Marami ang sumasali sa kakaibang penitensiyang ito at daan-daang deboto naman ang dumadagsa rito.

“Yung mga seryoso alam mo naman, kasi yung iba parang laro lang ‘yun,” ayon sa residenteng si Salvador dela Cruz.

Nakaugalian naman ng mga namamanata na huminto sa bahay ni Lucia Mangulabnan para mabasbasan. Manggagamot umano ang kaniyang ama dati.

“Para daw gumiginhawa sila,” sabi niya.

Pagkatapos ay dumederetso ang mga namamanata sa banal na bukal upang doon maligo. Paniwala nila na nalilinis dito ang kanilang ispirituwal na pagkatao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.