TINGNAN: Basurang iniwan ng nag-‘alay lakad’ sa simbahan sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2019 07:53 PM | Updated as of Apr 19 2019 10:43 PM

Pumukaw sa atensiyon ng mga netizen ang basurang lantarang iniwan ng mga dumalo sa tinaguriang "alay lakad" sa isang simbahan sa Antipolo City. Larawang ibinahagi sa ABS-CBN News ni Kae Rivera

Pumukaw sa atensiyon ng mga netizen ang basurang lantarang iniwan ng mga dumalo sa tinaguriang "alay lakad" sa isang simbahan sa Antipolo City.

"Sana naman po bigyan nyo po ng respeto ang tahanan ng ating Diyos," ayon kay Kae Rivera, ang nag-post ng litrato na viral na ngayon sa Facebook.

 

Umabot na sa 13,000 shares at may higit 8,000 na reactions ang naturang post na nagpapakita ng mga nagkalat na basura sa mga baitang ng hagdan ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

Karamihan sa mga basura ay mga bottled water at plastic.

"Sa mga lumalahok po sa alay lakad sa Antipolo, hindi po isang malaking basurahan ang aming simbahan. Kung wala po pagtatapunan, itago muna ang iyong kalat at itapon sa tama," payo ni Rivera.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.