DAGUPAN CITY—Patuloy ang pagdagsa ng mga deboto sa Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag sa Pangasinan ngayong Biyernes Santo.
Ayon sa pamunuan ng simbahan, umabot na sa higit 1 milyon ang debotong bumisita sa Manaoag church, na inaasahang madaragdagan pa hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.
Taong 2015 nang iproklama ng Vatican ang Our Lady of Manaoag bilang isang Minor Basilica. Ibig sabihin, may mga pribilehiyo na wala sa ordinaryong simbahan, gaya ng pagkakaroon ng plenary indulgence o paghuhugas ng mga kasalanan.
Dahil sa dami ng mga nagbi-Visita Iglesia, sanib puwersa ang mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Army para masiguro ang seguridad ng simbahan at mga deboto. —Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag, Manaoag church, Vatican, Visita Iglesia, Semana Santa, Holy Week, minor basilica, Pangasinan