6 Indian nationals, ligtas sa pagbaliktad ng sinasakyang SUV

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2019 11:46 AM

Tumaob ang SUV na sinasakyan ng grupo ng Indian nationals sa Barangay Pacol sa Naga City. Mylce Mella, ABS-CBN News

NAGA CITY – Nakaligtas ang anim na Indian nationals matapos na bumaliktad ang sinasakyan nilang SUV sa bahagi ng Kilometer 8, Zone 2, Barangay Pacol, Biyernes Santo ng umaga.

Ayon sa imbestigador na si Nehemias Banaag, nag-overtake umano ang Mitsubishi Montero Sports sa isang tricycle sa pakurbadang bahagi ng kalsada at bigla itong nawalan ng kontrol kaya bumaligtad at nabangga sa konkretong gate ng bahay ng pamilya Floresca.

Pawang estudyante ng isang medical school sa Legazpi City ang mga Indian national na kinabibilangang ng limang lalaki at isang babae. 

Papunta sana ang grupo sa isang resort sa may Barangay Panicuason, Naga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.