14 naospital sanhi umano ng chlorine ng pool sa resort

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2019 03:30 PM

PANDI, Bulacan – Umabot sa 14 katao ang naospital matapos na mag-reklamo ng pagkahilo habang nasa isang resort sa Barangay Bagong Barrio sa naturang bayan, Biyernes ng umaga.
 
Ayon kay Pandi Police Maj. Avelino Protacio, hinihinalang dahil umano ito sa amoy ng chlorine sa resort pool.

Agad dinala sa mga ospital sa Sta. Maria, Bulacan at Malolos, Bulacan ang mga nahilo.

Sampu sa mga biktima ang na-discharge na habang apat pa ang inaasahang makalalabas ngayong Biyernes Santo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.