Pastor patay, 2 sugatan sa pananambang ng mga hinihinalang NPA

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2018 04:04 PM

GIGAQUIT, Surigao del Norte - Patay ang isang pastor habang sugatan naman ang 2 kasamahan nito matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People's Army noong Miyerkules.

Nasawi ang pastor ng Jehovah's Witness na si Jepti Acido habang sugatan naman ang mga kasamahan niya na sina Virgil Ortiz at Adner Malaque.

Sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang sila ay tambangan ng mga armadong lalaki na mga miyembro diumano ng NPA, ayon kay Capt. Francisco Garello ng Philippine Army 36th Infantry Battalion

Dagdag pa ni Garello, posibleng napagkamalang mga sundalo ang mga biktima kaya't binaril.

Pinaghahanap ng mga sundalo ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.