4 timbog sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2018 05:52 AM

MAYNILA - Arestado ang 4 katao sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.

Nakuha sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,000 at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Senior Insp. Ramon Acquiattan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7, isang alyas Jeng na umano'y tulak ang target ng operasyon.

Matapos ang buy-bust, naaktuhan si alyas Eddie na may-ari umano ng drug den at 2 iba pa na gumagamit ng droga.

Pinabulaanan naman ito ng mga nahuli.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.