Nasunog ang nasa 100 bahay sa Calbayog City, Samar nitong Martes.
Pasado alas-3 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Barangay Carmen.
Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa sa mahihinang materyales ang mga bahay at masikip ang daan papunta sa lugar, kaya nahirapan ang mga bomberong apulahin ang sunog.
Nananatili sa Calbayog Sports Center ang mga nasunugan.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na bibigyan ng tulong ang mga apektadong residente.
— Ulat ni Ranulfo Docdocan
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.