Unang COVID-19 patient ng Caraga nagnegatibo na sa virus

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2020 05:50 PM | Updated as of Apr 18 2020 06:48 PM

Nakalabas na ng ospital nitong Sabado ang pinakaunang COVID-19 patient sa Caraga Region, ayon sa mga awtoridad.

Ang 68 anyos na pasyente na taga-Butuan City, ay dumating umano sa lungsod mula Metro Manila noong Marso 12.

Noong Marso 29, nagpa-admit siya sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City dahil sa mga naramdamang respiratory symptoms. Dahil dito, nagpa-swab test siya para sa COVID-19.

Kinumpirma na mayroon siyang coronavirus noong Abril 6.

Noong April 12 at nitong Biyernes, sumailalim siya ulit sa swab test, na nagkumpirma na negatibo na siya sa sakit.

Kahit nakalabas na siya ng ospital ay isasailalim pa rin siya sa 14-day home quarantine na kinakailangan para sa mga nagkasakit ng COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.