TINGNAN: Milk tea shop, may gimik sa pagkuha ng order sa gitna ng lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2020 08:11 PM

Isang milk tea shop sa Maynila ang gumawa ng sariling gimik para sa pagkuha ng order mula sa mga customer, sa gitna ng lockdown sa Luzon dahil sa banta ng sakit na COVID-19.

Sa video ni Juan Paolo Caniamo, makikitang naglagay ng microphone stand sa labas ng naturang milk tea shop para makakuha ng order mula sa customer sa kabila ng physical distancing.

 

Ayon kay Caniamo, galing siya ng trabaho nang dumaan siya sa grocery para mamili para sa bahay.

"Pero napaisip ako na parang gusto ko ng milk tea bago ako umuwi ng bahay, tapos ayun pumunta ako sa milk tea shop," aniya.

Saad ni Caniamo, kailangang gumamit ng mikropono para maka-order sa naturang milk tea shop dahil bawal pumasok sa loob nito, dulot ng physical distancing na ipinag-utos ng mga awtoridad.

"And 'yung payment, i-drop mo lang sa table parang may box siya," aniya.

Nagsara ang iba't ibang establisyimento sa Maynila at sa ibang lugar sa Luzon matapos magdeklara sa Pangulong Rodrigo Duterte ng lockdown sa isla dulot ng banta ng COVID-19.

Mga restaurant, grocery, supermarket, at pati mga milk tea shop na nagbebenta ng pagkain ay kasama sa mga pinahintulutan na ituloy ang operasyon dahil kasama sila sa essential needs, ayon sa gobyerno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.