Security guard patay sa pamamaril sa Ilocos Norte

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2020 02:14 AM

Photos courtesy of PNP Badoc, Ilocos Norte

BADOC, ILOCOS NORTE - Patay ang isang 24 anyos na security guard matapos pagbabarilin sa Barangay Sta. Cruz, Badoc, Ilocos Norte nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Sherwin Dumadag mula Barangay Aring.

Nakatayo ang biktima sa isang waiting shed nang bigla itong pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo.

Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng baril sa dibdib.

Dalawang basyo ng caliber .45 ang narekober sa crime scene.

Security guard sa isang bangko ang biktima na naghihintay ng kanilang armored car nang mangyari ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.