TINGNAN: Malakas na buhos ng ulan, naranasan sa may La Mesa Dam

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 07:42 PM

Ilang araw matapos itong pumatong sa critical level, muling nanumbalik ang ulan sa may La Mesa Dam sa Quezon City, ngayong Huwebes Santo.

Naitala noong mga nakaraang linggo ang mataas na heat index — o nararamdaman ng tao na init dahil sa temperatura at sa humidity o halumigmig — sa ilang lugar sa Kamaynilaan at sa mga probinsiya.

Matatandaan na pumatong sa 68.93 metro noong Marso ang water level sa reservoir, mababa sa critical level na 69 metro. Nangyari ang pagbaba sa gitna ng El Niño.

-- May ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.