Isang bloke ng cocaine natagpuan ng mangingisda sa Surigao del Norte

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 10:58 AM

Isang bloke ng cocaine ang natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Surigao del Norte. Photo: Surigao del Norte Provincial Police Office

SURIGAO DEL NORTE - Isang bloke ng cocaine na palutang-lutang sa dagat dito sa probinsya ang natagpuan ng isang mangingisda noong Miyerkoles ng hapon.

Nangingisda raw noon si Edgar Salas sa karagatan mahigit kumulang 40 nautical miles o 74 kilometro mula sa Sta. Monica, Surigao del Norte nang makita niya ang isang puting bloke na nababalot ng rubber cellophane. 

Agad raw itong kinuha ni Salas dahil kagaya ito ng mga narekober na cocaine sa mga kalapit na lugar sa Surigao del Norte.

Hinihikayat ng pulisya ang agad na pagturn-over at pagre-report kung may makikitang bloke ng cocaine tulad ng nakuha ni Salas.