6 patay, isa pinaghahanap matapos ang sunog sa Compostela Valley

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 04:37 PM

COMPOSTELA VALLEY—Anim ang patay habang isa naman ang nawawala sa sunog na naganap dito sa Poblacion sa bayan ng Maco alas-4 ng madaling araw ngayon Huwebes. 

Na-trap sa ikalawang palapag sina Ian Bilucora (22 anyos), Rico Villacora (18 anyos), Merjan Cline Ardon (20 anyos), Carmen Bilucora (56 anyos), Jane Ryle Aporado (12 anyos), Karen Busalla (27 anyos) at isang 6 na buwang sanggol.

Kompirmadong namatay sa sunog ang anim habang ang 12 anyos na si Aporado ay patuloy pa ring pinaghahanap. 

Ayon sa mga awtoridad natagpuan ang mga bangkay na nagkumpulan sa isang bahagi ng bahay.

Nagawa pa rin humingi ng saklolo ang mga biktima pero mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa kahoy ang nasunog na bahay, kwento ng mga nakasaksing kapitbahay.

Iniimbestigahan ang anggulong arson dahil mayroon daw isang taong bumili ng gasolina na kasalukuyung hindi na mahanap sa lugar, saad ni Fire Chief Inspector Randolf Arbutante na provincial director ng Bureau of Fire Protection sa Compostela. 

Kaaway rin umano ni Bilucora ang pinaghahanap na residente.

"It's under investigation pa muna [still] kasi i-concretize natin 'yong allegation [we need to concretize the allegation] with regards to the witnesses now kung makakuha tayo ng witnesses at mapapirma natin ng affidavit at ipapasa natin sa court 'yan [if we can get a witness and if we can make them sign an affidavit then we will submit it to court," ani Arbutante.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.