P3-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2018 10:51 PM

Nasabat ang nasa P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa bayan ng Daraga, Albay nitong Miyerkoles ng gabi.

Nakuha mula kay Nino Villanueva ang dalawang plastic bag na may lamang ilegal na droga.

Ayon sa mga awtoridad, tubong Cebu City si Villanueva na dalawang buwan pa lang na nangungupahan sa Daraga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, si Villanueva ang isa sa mga malaking nagsusuplay ng droga sa probinsiya ng Albay at sinasabing konektado ang transaksiyon at operasyon sa amo nitong nakakulong sa New Bilibid Prisons.

Tumangging magbigay ng pahayag si Villanueva.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.